Tuesday, February 28, 2006

Panatang Makabayan - Pledge of Allegiance

Panatang Makabayan

Original:
"Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako'y kanyang kinukupkuop at tinutulungan
upang maging malakas, maligaya, at kapakipakinabang.

Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.

Paglilingkuran ko ang aking bayan
nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita, at sa gawa."

Revised Version
:
As revised by the Department of Education under Secretary Raul Roco, via Department Order 54


"Iniibig ko ang Pilipinas, aking Lupang Sinilangan.
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungan
upang maging malakas, masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap at pagsisikap
sa bansang Pilipinas."

Talk to us. What do you think of the revised version?Send your feedback through our
discussion board.
Other Related Articles
http://archive.inq7.net/archive/2001-p/opi/2001/nov/16/opi_csdequiros-1-p.htm
Changes
DID the Department of Education, Culture and Sports do well to change the "Panatang Makabayan"?Posted:8:32 PM (Manila Time) November 15, 2001By Conrado de Quiros

http://archive.inq7.net/archive/2001-p/brk/2001/nov/14/brkpol_2-1-p.htm
Education chief: What’s wrong with ‘Panata’?Posted:6:06 AM (Manila Time)By Donna S. CuetoInquirer News Service

http://archive.inq7.net/archive/2001-p/nat/2001/nov/12/nat_7-1-p.htm
Roco’s revised pledge of allegiance launchedPosted:0:04 AM (Manila Time) November 12, 2001By Donna S. CuetoInquirer News Service

Source: http://www.filipinaslibrary.org.ph/filipiniana/panatang.asp

34 comments :

Anonymous said...

hindi nalang sa na nila binago ang panatang makabayan ito ay walang pinag ka iba sa pag-kanta ng lupang hinirang na mali ang tono o nakalimutan ang ibang letra.

Anonymous said...

oo nga kasi di n original ung mensahe!pumangit

Anonymous said...

Ang pagbabago o pag-iiba ng ating mga ninunong nilikha ay mahalaga di lang sa ating sarili kundi sa ating sariling bansa. Ang orihinal na version ay dapat manatiling orihinal. Maraming salamat po!

Anonymous said...

mas maganda sana yung original na lang kung bakit binabago bago pa.

Anonymous said...

Why do they need to revise it. The original is much much better. Ano ba ang mga nangyayari sa mga kababayan natin? Kakalungkot!!!!

nem said...

Yes! I agree w/ anonymous! I dont see anything difficult w/ the original..& the revised one doesnt look any better..umandar n naman b ang sobra talino ng mga tao sa gobyerno? Bakit hindi kaya ang pagunlad ng bansa at pagkakaisa ang atupagin ng mga pinuno natin?!!

onniecloza said...

ngayon ko lamang nalaman na nabago na pala ang original version ng PANATANG MAKABAYAN, hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan para palitan pa nila ang mga dating salita, hindi ko na pati kabisado yung aking kinagisnan at kinalakhan. ewan ko sa inyo...masyado kayung matatalino.

Drew said...

I'm a student but I do agree with the others. I think the old one was much better than the revised edition...

Anonymous said...

ako rin,ngayon ko lang nalaman na mayroon na palang revised version ng Panatang Makabayan, ako ay for the original version of course, ito ang aking kinagisnan at natutuhan kaya ito ang aking susundin. Mabuti na lang at walang revised version ng ating national anthem. Siyempre I"m always for the original!

Anonymous said...

oo nga pangit ung bago...sana dina lng nila binago...nagkakagulo pa ang mga estudyante kung alin ba ang tama...

Anonymous said...

_what's the main reason why they change the Pledge of Allegiance?

Anonymous said...

yeah...i agree to all of you...there's no reasons why they change the "PANATANG MAKABAYAN"
Pareho lang ng message wala namang pinag-iba...at yun na yung nakasanayan...kung binago nila yung "PANATANG MAKABAYAN" why there is so much critics on how the sing the "LUPANG HINIRANG!!!f mali man ang tono o pag kanta ng mga singers...gusto pala nilang maging makabayan yung mga Pilipino at kung ano yung kinagisnan yun dapat dba?gaya ng "LUPANG HINIRANG?" Paano tyo mging nationalismo f pa iba-iba tyo ng mga lyrics...D na dapat baguhin...pang gulo lang yan...e...wala talagang magawa ang pasimuno nyan...gusto lang gumawa ng issue...hmmmp!

HARIBON (Philippine Eagle) said...

THE ORIGINAL TEXT EXPOSES THE CORRUPTED NATURE OF OUR NATION MANIFEST BOTH FROM LEADERS & CONSTITUENTS. IT SEEMS THAT THEY SENSE AN ATMOSPHERE OF EMBARRASSMENT UPON TEACHING THE ORIGINAL PLEDGE BECAUSE IT WILL SOUND IRONIC TO WHAT IS REAL. THE REALITY IS, FILIPINOS FAILED THEIR PLEDGE TO THE MOTHER LAND. BUT THERE IS HOPE. I WISH TO BRING A MESSAGE TO THOSE FILIPINOS WHO BY HEART LOVED MOTHER LAND AND HER PEOPLE TO FULFILL THEIR PLEDGE WITH THE ORIGINAL TEXT.

"Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako'y kanyang kinukupkuop at tinutulungan
upang maging malakas, maligaya, at kapakipakinabang.

Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.

Paglilingkuran ko ang aking bayan
nang WALANG PAG-IIMBOT at nang BUONG KATAPATAN.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita, at sa gawa."

TUNAY KA BA? KUNG TUNAY KANG PILIPINO NADAMA MO AANG KALAGAYAN NG ATING MGA KABABAYAN NA NAHINTULAD SA KALAGAYAN NG HARIBON o HARING IBON. "IBON MANG MAY LAYANG LUMIPAD, KULUNGIN MO AT UMIIYAK, BAYAN PA KAYANG SAKDAL DILAG ANG DI MAG NASANG MAKA-ALPAS?"

ARE THE FILIPINO PEOPLE TRULY FREE?

ARE CORRUPTION & DEPRAVITY A SIGN OF OUR FREEDOM?

YET WE DO NOT SEE OUR PEOPLE AREN'T FREE.

WE ARE DRENCHED IN IGNORANCE, AND WHLE WE NEED ILLUMINATION WE PROJECT OUR ARROGANCE!

LOOK AT THE MAP OF THE PHILIPPINES, WHAT DO YOU SEE NOW...

Do you see sitting a COPY CAT OF ASIA?

Do you see sitting an UNDERDOG OF ASIA?

or

Do you see a Phil.Eagle spreading it's wings?

If you are interested, I'll show you how it is a resemblance of a Philippine Eagle/Haribon or Haring ibon that's spreading it's wings to fly.

simply reply from this thread or post a comment.

Honestly I actually see three things when I reflect what our Mother Land's Map represent:

A COPY CAT, AN UNDERDOG, & A HARIBON.

I LOVE TO ENVISION MY PEOPLE "THE FILIPINOS" AS EAGLES, BUT I CAN'T HELP SEEING THEIR ARE TRUE REPRESENTATIONS OF BOTH COPY CATS & UNDERDOGS.

THE EAGLES (PEOPLE WHO LIKE IT) THEN MUST THRIVE AND LEAD THE NATION, NOT COPY CATS, NOT UNDERDOGS, BUT PHILIPPINE EAGLES!!!

Unknown said...

Take it easy, use lower case please... You're not yelling at the people reading your comment, right...?

"Humility must always be the portion of any man who receives acclaim earned in the blood of his followers and the sacrifices of his friends." DWIGHT D. EISENHOWER, speech, Jul. 12, 1945

Anonymous said...

I hope all the NAIA personnel including the authority of the baggage inspection will know and memorize this pledge of allegiance. Everyday must have a prayer,flag raising, pledge recital to make them a true, honest and deserving Filipino. Keep this country great again our beloved Philippines.

Anonymous said...

Parang bulol ang taong magsasalita ng revised sa 1st part. Parang intsik na nagsisimulang matutong magtagalog.

Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;

Mas maganda pakinggan kung ganito:
Iniibig ko ang Pilipinan. (period)
Ito ang aking lupang sinilangan. (period)
Ito rin ang tahanan ng aking lahi.

O kaya ganito:
Iniibig ko ang Pilipinas, ang aking lupang sinilangan, at ang tahanan ng aking lahi.

Ayan dapat buo ang pangungusap. Parang dahil sa ka-fofocus mag-aral ng Ingles, di na alam ayusin ang pananalita.

Anonymous said...

Dito na Kmi sa ibang Bansa and tinuturuan nmin Ng national anthem 2 anak namin, n tonight ang panatang makabayan. Mas maayos, correct and Sakto ang message Ng original version kesa sa revised version. Pati yung kantang ANG BAYAN KOY TANGING IKAW , PILIPINAS Kong Mahal. Yan yung kinakanta gabi gabi sa mga anak Ko para masa isip Nila and Mahalin country of origin namin. We are all proud to be a Filipino.

antonio said...

Sundin natin ang orihinal na tama at ang dapat baguhin ay ang mga maling ginagawa ng mga tauhan ng ating pamahalaan.

antonio said...

Sundin natin ang orihinal na tama at ang dapat baguhin ay ang mga maling ginagawa ng mga tauhan ng ating pamahalaan.

hayati6004 said...

I didn't know that the Panatang Makabayan underwent a big change since 2001! I only knew it today when my son asked me to check if he memorized it well. I told him go ahead, I have memorized it in my heart. But after the third or fourth line, I said, WHOA! That's not how it goes. Until he handed his Reminder Notebook. It's not the one I memorized. Is this the norm today with each new administration? They changed this? Why don't they do what the Filipino People REALLY need. Like New Schools (especially in the provinces. Also coordinate with the government agency to create, fix roads for easier access. We've all seen teachers and children walking an hour (minimum) having to cross rivers on foot, though hanging bridges.) Upgrade, Fix existing school buildings. Train more teachers, increase their wages. Give additional incentives. And PLEASE give them enough budget to answer for all the school materials required . I say "PLEASE RETURN THE ORIGINAL VERSION"!

Anonymous said...

I love the original version - the new version is bland. Nothing beats the original!

Anonymous said...

We do not practice saying the Panatang Makabayan everyday anymore. We need to do it during opening of any activity every single day.

I love the original version - the new version is bland. Nothing beats the original!

Unknown said...

Agree po ako sa mga nagsasabi na dapat Hindi na Lang pinalitan Ang original. Dahil bukod sa Mula pa Ito sa ating mga ninuno e kasama din po yan sa history Ng ating bansa. Kaloka po kayo, Pashneya!

Anonymous said...

I am a Filipino, I love the Philippines. Nothing more to say, nothing to change, always keep the original version please.

Anonymous said...

Halos walang pinag-iba sa original ang newly revised na panata. Wala lang ata magawa ang mga bossing sa dept of education. ayayayy!!!!

Unknown said...

Please lang pakibalik yung original. Inalis pa yung "kapakipakinabang", madami tuloy tamad ngayon. Para sa akin mas maganda ang mensahe ng orihinal na bersyon.

Unknown said...

Agree, hindi buo ang pangungusap sa revised version. Pangit pakinggan.

Anonymous said...

who is the author and writer of panatang makabayan

Ann Morgen said...

My beloved Philippines...
Panatang Makabayan Original Version is The Legend...walang confront...
Original talaga
Nakakakilabot kung sino man ang magbasa

tom said...

Why did they change that? Why did Raul roco changed that? The revised one is okay but not as effective as the original one. Parang nagmumukhang obligasyon o nagiging obligado ang dating at parang napilitan gawin. Habang Yung original ay mas ramdam at mas tatak sa pagkatao mo, sa isip, sa salita at sa gawa. Ang dami daming dapat gawin bakit yun pa any iniba, halos nagsisiksikan any aging mag aaral sa mga paaralan habang young mga Nasa malalayong lugar ilang kilometro any nilalakad para lang makapag.aral, yujg iba kulang sa facilidad at kulang ng guro.Dep.ed among kagagohan to? Yang Raul Roco na pasimuno na yan, gusto lang magpasikat! Yan at hango sa kanyang pag?iisip at Hindi hango sa tooting demokrasya ng pilipinas na Malaya. Yung kanayang version parang napipilitan lang. Hoy Raul Roco pasikat ka ha! Ayusin mo muna any kalagaya ng aging education sector hunghang ka!

Unknown said...

yung dati na lang

ice'summer said...

paanu naman ung mga magulang na old version ang alam tapos pag tinuruan nila mga anak nila, iba na pala..eh di nalito na mga bata.

Ru said...

Stick with original version. There is nothing wrong with the original. What is the purpose of the new version, was it for "shit and giggles"?. Again, please enforce and let it be firm with original version.
-former batang palengke ng pasay.

Baby boss said...

Sana po hindi na binago. Kasi ngayon hindi ko na alam yung bago kaya hindi ako nakakasunod sa mga kasamahan ko. Ang tanda ko kasi yung una kahit noong elementarya pa ako nuon.