ISANG MALAYANG PALAISIP
- Jose Rizal
Sa boong buhay ko'y hindi pa ako nakakakita ng isang taong napakakamuhi-muhi nagaya ng isang malayang palaisip.
Sapul sa aking kamusmusa'y kinatakutan ko na siya at sa pagbibinata ko'y nakapanghilakbot sa akin. Ngayon, hindi ko malaman kung ano ang iisipin ko sa kanya.
Nang kami'y bata pa, kami'y nahirating pagpakitaan sa ilalim ng ngalang ito ng isang taong sinumpa ng aming banal na Relihiyon o kung hindi man, ay ng aming mga pari, isang kaluluwang inaalihan ng demonyo, sa dahilang hindi umiisip ng gaya namin, ni gaya ng mga kinatawan ng aming Diyos.
Nang nagbibinata na, nang katatalikod pa lamang namin halos sa mga larong pambata at sa kandungan ng aming ina, at iwan namin ang mga saranggola at mga kabayong kahoy, upang pakipagtalunan ang mga simulaing walang hanggan ng malinis na kaugalian, upang arukin ang kailaliman ng kaluluwa, upang maglahad at magpasinungaling sa iba't iabng pamamaraan ng pilosopiya, upang makapasok sa mga di-madalumat na dawag, na marahil ay maligoy, ng metapisika at pinangungunahan ng mga bihasang kamay, ay nakarating kami hanggang sa paglutas ng lahat ng kahiwagaang nakalatag sa landas ng buhay; nang, taglay ang pananampalataya sa kaluluwa, ang pag-ibig sa puso at ang pagtitiwala sa aming buong pagkatao, ay tinatanggap namin nang walang katutol-tutol ni pag-aalinlangan, nang walang sapat na pakikipagtalo ni pasubali, ang lahat ng sinasabi sa amin ng mga daakilang guro namin, ang lahat nang ipinakikilala sa aming bilang aral na dapat sampalatayanan at di-namamali; sa gayon, puno ng liwanag at sigasig na makarelihiyon, aay dinapuan kami ng panghihilakbot sa mga tupanng yaong naliligaw, na nakikilala sa tawag na malayang palaisip o may malayang kaisipan.
Mga palalo! -- ang wika namin sa kanila; -- mga kaluluwang walang laman at walang kapararakan, na walang tinatanggap maliban sa ipinakikilala ng inyong katuwiran; na nagmamatuwid nang hindi nanghahawak sa mga banal at nakapagpapalakas na simulain namin; kayong mga hamak ang pang-unawa, maikli ang isip, hindi ninyo nababatid ang aming mga nagniningning na pananalig, ay! sa aba ninyo!
At sa gangyang napakalaking pagkaawa at pagmamatuwid ay nakikita namin silang pinarurusahan nang walang katapusan. Palibhasa'y wala kaming minamagaling kundi ang sarili lamang, gaya ng nararapat, sa lahat ng kasang-ayon ng katotohanan, na hindi maaari kundi iisa lamang, at ang lahat ng iba pa'y pawang kasinungalingan, kami'y lumalayo sa pgkahawa sa kanila, kami'y umiilag sa pakikiharap sa kanila, kami'y nagpipikit ng mata at nagtatakip ng tainga sa mga katha at ang salita nila.
Hindi ko tinutukoy dito yaong mga malayang palaisip dahil sa pagkahawa, sa pagsunod sa panahon, sa panggagaya o sa hawig; hindi; ang mga pagtutol at pagmamatuwid ng mga ito'y masisira namin sa dalawa o tatlong pagtatangi-tanging hindi nila karaniwang nasasakyan, at sila'y aming mapaababalik na parang maaamong tupa sa aming bakuran, at sila'y mga kaibigan ding gaya ng dati. Ano ba ang magagawa nila sa amin, sa kami'y pinasuso ng katas ng pilosopiyang eskolastiko.
Mga katoliko sapul sa ikalimang taong gulang, mga pilosopo sa ikalabing-apat, metapisiko sa ikalabinlima, at mga teologo sa ikalabing-anim, mga bagong David kaming nakapagpapabuwal ng mga Goliat na iyan nang napakadali, na ikinapapatunganga ng mga matatandang babae sa karunungan namin.Hindi; hindi ko tinutukoy ang mga gayong malayang palaisip; hindi sila nararapat pagkaabalahang pakipagtalunan ninuman.
Ang tinutukoy ko'y yaong mga taong binitiwan ng kamay ng Diyos, na nagmamatigas sa kasamaan, na nagpipikit ng mga mata sa liwanag, yaong mga nananalig sa kanilang sinasabi, na matamang nakapagwawari-wari at namamatay sa kahuli-hulihang di-pagsisisi, gaya ng sabi ng aking guro. Ay! may mga mata sila'y hindi nakakakita; may mga pandinig sila'y hindi nakakarinig; ang puso nila'y parang batong hindi maaaring tamnan ni tubuan ng anuman.
Nagkaroon ako ng malungkot na kapalarang makakilala ng isa sa mga sawimpalad na ito, at bagaman sinikap kong lubos na siya'y mapagbalik-loob, ito'y hindi ko natamo.
Ang aking bantug na manggagamot, na tinatawag na dalubhasa ng kanyang mga kasama, ay isang taong malalim at malawak aang kaalaman sa iba't ibang sangkay na bumubuo ng agham ng sangkatauhan. Habang wala ssiyang ginagawa kundi ang ipaliwanag sa akin ang araling itinuturo niya, siya'y hinangaa't pinagyukuan ko ng ulo; datapuwa't buhat ng sandaling siya'y manghimasok sa lupain ng pilosopiya at relihiyon ayhindi ko na siya pinakikinggan at tinawanan ko na lamang ang mga pagpapaliwanag niya.
Gayon ma'y tila may katuwiran siya; napakaliliwanag ng kanyang mga pagpapatunay at napakabibigat ng kanyang mga pagmamatuwid. Datapwa't palibhasa'y nasanay ako sapul pa ng aking kamusmusan, hindi ako nahulog kailanman sa gayong mga mapanlinlang na anyo ng diyablo, at inilalaban ko sa pangyayari ang pananampalataya, sa pagmamatuwid ang aral ng simbahan, at kailan ma'y hindi ako kinulang ng pagkakataong makapagsingit ng isnag pagtatangi na lubos kong ikinasisiya.
Bukod sa lahat ng ito, ang manggagamot na si L. ay may kaugaliang walang pagmamarangya nguni't hindi magaspang, mga kilos na likas at karaniwan, nguni't hindi kulang sa pagpipitagan, at ikinalulugod niya ang pakikipag-usap sa amin, ang pakikipagtalo maging sa pilosopiya nguni't kailan man ay hindi niya dinala ang panunuligsa sa aming pananampalataya; manaka-naka'y ipinaliliwanag ang sariling kuru-kuro niya, nguni't lagi namang pinakukundanganan ang mga pala-palagay ng iba.
Kaya nga, kung siya lamang ay hindi natagpuan naming lalo pang maka-kalayaan kaysa inaakala naming nararapat, siya'y napamahal sana sa amin; datapuwa't palibhasa'y kaaway siya ng aking Diyos, siya'y nararapat ding maging kaaway ko.Sa pagkamalas kong ang kaluluwang yaong lubhang mahalaga at mulat ay mapapahamak na walang pagsala kung sa pagkukulang ko ng pag-ibig kristiyano, ay hindi ko marapating turuan siya tungkol sa tunay na relihiyon, papaglagusin sa kanyang nadirimlang pag-iisip ang ilang sinag ng liwanag, nagtika akong matibay na siya'y papagbalikin ng loob, siya'y bahaginan ng mga katotohanang nag-uumapaw sa aking isip at sa aking puso.
At sa gayo'y sinamantala ko, isang araw na siya'y lubhang namamanglaw, na siya'y lapitan ko upang makipagtalo sa kanya at nang mapabalik sa mabuting landas. Kapag ang mga sakit ay tumataos sa kaluluwa, ito'y tandang ninanais ng Diyos na ang kaluluwang yao'y mahanda para sa mabubuting bagay. O gaya ng sinasabi ng isang dakilang mangangaral na dominiko na kinalulugdan ko nang ako'y bata pa: "Kapag ang malamig na ulan ng mga luhang makalangit ay pumapatak sa lupang tigang ng baog na puso't kaluluwa, ang mga patak ng biyaya'y nagpapataba sa lupang tinigang ng init ng impiyerno, at sa gayon, ang taga-hasik ng Simbahan ay maaaring makapagtanim sa mga nadilig na linang na yaon ng binhing maka-Diyos ng mga kautusan ng ating Banal na Inang Simbahan.
"Ako'y naaaliw na ng kaisipang makapagpapabalik-loob ako saa isang dakilang tao, at dahil dito'y magiging marapat akong mapatawad sa mga kasalanan ko; kaya nga, nang siya'y matagpuan ko, isang araw na nag-iisip nang malalim, sa kanyang halamanan, ay nilapitan ko siyang taglay ang balak na kayagin ko siya sa isang pagtatalo hinggil sa mga bagay na nauukol sa Diyos.-- Aba! --ang naibulalas niyang angkin ang katutubong katamisan sa pakikipag-usap, nang ako'y makita niya --napapanahon ang pagkakaparito ninyo; tingnan ninyo ang sangang itong idinugtong sa ibang punungkahoy kung paano ang ginawa ng kalikasan…kahanga-hanga halos.
At siya'y nag-isip ng malalim.--Ang Diyos ang ibig ninyong sabihin-- ang nagmamadali kong pagwawasto sa kanyang sinabi.--Maging ang Diyos o maging ang kalikasan, kaibigan, sa akin ay iyon din -- ang itinugon niyang may malungkot na ngiti -- Nababatid ninyong mabuti na isa sa maraming pagpapakahulugan ng mga pilosopong eskolastiko sa salitang lating natura (kalikasan) ay Deus (Diyos). Sa anu't anuman, hindi ako nanghihimasok na makialam kung ang Diyos din ang gumagawa diyan o ang kalikasang itinalaga ng Diyos. Datapuwa't iwan natin ito, na isang suliraning tigang at walang anuman tayong makukuhang maliwanag; ang pag-usapan natin ay kayo.--Huwag, huwag--aniko--bagkus pa nga'y ito ang dapat nating pag-usapan: ito'y isang pag-uusap na lubha kong ikinalulugod sapagka't marami akong natutuhan at pinatitibay ako sa aking mga pananalig.Malungkot siyang ngumiti at sumagot.--Isaysay ninyo sa akin ang anumang bagay na may kinalaman sa inyong bansa, na ibig na ibig kong makita, at gayon man, sa palagay ko'y mamamatay ako nang hindi ko makikita.
Sa aking gulang…--Sa inyong gulang--ang salo ko--ay hindi na kayo nararapat mag-isip pa ng mga paglalakbay; may isang paglalakbay na nararapat ninyong pagkaabalahang lalo, at ito ang ating pag-usapan.--Ang paglalakbay bang iya'y nagawa na ninyo kailan man?-- ang tanong niya na nahulaan ang ibig kong tukuyin.--Hindi pa, nguni't ang iba'y nakagawa na niyaon, gaya rin ng gagawin nating dalawa.--Natitiyak ba ninyo?--Lubhang natitiyak ko.--Nguni't paano ninyo nalalamang ang paglalakbay na iya'y ginagawa? Sino ang nagsabi sa inyo?--Paano? Sino?…sino pa kundi ang ating banal na Inang Simbahan.--At sa simbahan, sino ang nagsabi ng gayon?--Si Hesukristo, sa kanyang mga Ebanghelyo.--Sino ang may katha ng Ebanghelyo?--Ang mga apostoles.--Natitiyak ba ninyo?--Mangyari pa! Bukod dito…--Magaling binabati ko kayo kung natitiyak ninyo; higit pa sa riyan ay hindi na makahihingi sa inyo ang Diyos, sa dahilang kayo'y gumagawa alinsunod sa inyong iniisip; kayo'y umiisip alinsunod sa inyong pananampalataya, at kayo'y sumasampalataya alinsunod sa inyong budhi.
Ang Diyos ay hindi humihingi ng di-mangyayari. --At matapos tingnan ang kanyang orasan ay inanyayahan akong sumalo sa kanya, sapagka't oras na noon ng pagkain.--Napagkilala kong siya'y umiiwas sa lahat ng pakikipagtalo. Sa pagnanasa kong siya'y huwag mayamot, ay ipinagpaliban ko para sa ibang araw ang pagpapabalik-loob atr inaasam-asam ko ang lalong mabuting kapalaran.Ang lalong nakapagpapalakas ng aking loob sa gawaing isinabalikat ko'y ang pagkapansin ko na siya, bukod sa matuwid na patakaran hinggil sa kagandahang-asal, ay mayroon pang katutubong pagkakahilig o isang uri ng pagkakabuhos ng loob sa aming banal na relihiyon.
Ang kanyang asawa at anak na babae'y mga katoliko, nakikinig ng misa, nagkukumpisal, nakikinabang, at nangingilin tuwing ito'y iniuutos ng Simbahan. Sa ganang kanya, bagama't siya'y hindi tumatanggap ng mga sakramento, ang pamumuhay naman niya'y sapat na uliran, wala siya ng anumang bisyo; gumagamot siya ng walang bayad sa mga mahihirap na binibigyan pa niya ng gamot, namumudmod siya ng mga limos, at hindi siya narinig na umupasala kailan man sa kaninuman, kahit na sa pamahalaang maaaring siyang lahat ng bagay na maaaring masabi.--Totoong kahina-hinayang-- ang nasasabi kong madalas sa aking sarili-- na ang gayon karaming kabutihan ay mawalan ng kabuluhan at ang gayon na kalawak na karunungan at gayon kalaking pagpapakahirap ay humantong sa impiyerno!-- Sa katunayan, siyaa'y hindi ko nalilimutan sa aking mga panalangin, bagay na marahil ay nakatutulong pa sa pananatili niya sa gayong kalagayan.
Gaya ng aking sinabi, siya'y may isang anak na dalagang napakabait, maganda at napakamagiliwin.Palibhasa'y nabuo na sa aking loob ang pagiging anino niya, ipinasiya kong lumigaw sa kanyang anak na dalaga upang sa ganitong paraa'y magkaroon ako ng maraming pagkakataong makipag-usap at makipagkita sa kanya sa kanyang tahanan, at baka kung magkatuwang kami ng kanyang anak ay maakay namin siya sa mabuting landas.
Sasabihin ninyo sa aking ang landas na pinili ko ay may kahabaan; marahil ay may katuwiran kayo, nguni't yao'y siyang lalong tiyak. Ang lahat ng ito'y alang-alang sa pag-ibig sa Diyos!Lumigaw nga ako sa kanyang anak na babae; datapuwa't itinadhana ng Diyos, upang aako'y subukin, marahil, na ang pag-ibig ko'y huwag niyang tanggapin, bagama't madalas kong iginiit sa kanya ang aking pag-ibig, madalas ko siyang dalawin, at madalas kausapin tungkol sa kalangitan at sa aking mga pag-asa.
Dumating ang isang sandaling inakala kong ang diyablo, sa takot nitong matupad ang aking balak, ay humadlang, sa pamamagitan ng lahat ng kaparaanang maaaring gawin sa aking mga banal na hangarin, nguni't sa sandaling pagwawari-wari'y naunawaan kong hindi maaari ang gayon dahil sa katuwirang sumusunod. Ang diyablo, na napakamapaglalang, napakamanunukso, aay dapat sanang tumulong sa pag-iibigan namin, upang pagkatapos ay libangin ako, ilayo sa aking landas at patahakin ng ibang daan.
Sa pananalig ko, samakatuwid, na ang lahat ay kalooban ng Diyos, lalo't lalo akong sumigla sa paniniwalang ang bagay na yao'y tandang nagpapakilala na ang lahat ng aking ginagawa ay kalugud-lugod sa kanyang mga mata.Sinamantala ko ang lahat ng pagkakataon upang makipagtalo sa kanya, at dahil sa siya'y lubhang maalam ng mga Banal na Kasulatan, ng mga Ebanghelyo at iba't ibang kinatha ng mga"santos padres," ay kinailangan ko ring mag-aral ng mga batayang ito ang ating Relihiyon upang huwag akong maiwan sa huli.Hindi niya tinatanggap ang aral-kristiyano.
Kinausap ko siya tungkol sa apat na impiyernong nasa gitna ng lupa sang-ayon kay Pari Astete at ako'y nginitian niya bilang katugunan. Tungkol sa mga ibang bagay, walang anuman siyang itinatanggi, datapuwa't hindi naman niya sinasang-ayunan ang lahat ng sinasabi ko.Isang araw ay tinanong ko siya kung tayo'y may kaluluwa at kung ito'y kanyang pinaniniwalaan.
Sinagot niya ako--Iyan ba'y pinaniniwalaan ninyo?--Opo, ako'y naniniwalang may kaluluwa at kung paanong ito'y nabubuhay at kung bakit nabubuhay.--Napakabuti, kung gayon-- anya, at ako'y kinausap hinggil sa mga ibang bagay.Datapuwa't minsan ay sinabi niya sa silid aralan na palibhasa tayo'y walang tiyak na kaalaman kung anong talaga ang bagay na nadarama (materia), hindi natin nasasaklawan ang mga katangian nito, kaya hindi natin maaaring itanggi sa kanya ang mga katangiang hindi natin nalalaman kung sa anong uri ng nilikha lamang maiuukol.
Sa ibang pagkakataon ay sinabi niyang ang tao'y nakauunawa ng mga kaisipan sa iang paraang nadarama at lagi nang sa ilalim ng isang kaanyuan, at ang tao'y walang tiyak na pagkaunawa kung ano ang kawalang hangga, at ang lahat nang kanyang nagugunita o nabubuo sa pangunawa ay may pagkakatulad sa mga bagay na nasa labas.
Minsan, dahilan sa isang dakilang pangyayari ay sinabi niya sa gitna ng malaking kasiglahan na ang tao, upang mapanagot sa kanyang mga gawa, upang maging karapat-dapat sa gantimpala o parusa, ay nararapat gumawa, alinsunod lamang sa kanyang budhi't pagkaunawa, nang hindi napatatangay sa kuru-kuro ng iba, sa dahilang sapul sa sandaling siya'y gumawa dahil sa lakas ng iba, ay nawawala sa kanya ang katangiang pagkamalaya at siya'y hindi gumagawa alinsunod sa kanyang sarili bagkus pa nga'y alinsunod sa iba.
Datapuwa't pinaninindigan niyang ang budhi'y nararapat maging mulat, at maligtas sa anumang sukat makalpilit sa kanya. Sinabi rin niyang ang Diyos ay hindi humihingi sa tao ng isang di-mangyayari, at sa dahilang ito'y hindi siya nag-uutos na makitang puti ang itim o itim ang puti. Kung sinasabi ng aking pagkaunawa na ang isang bagay ay nararapat maging gayon, hindi ako dapat maniwalang maging kaiba; ang ako'y mangatuwiran nang higit o kulang sa kaliwanagan, ay hindi nauukol sa akin; ako'y walang tungkuling maging pantas kundi isang taong may budhi at may pananalig; gayon ma'y hindi ko iniwawaksi ang liwanag kailan ma't ito'y makatatanglaw sa akin.
Napapansin kong bahagya nang nakaiisod sa dalawa kong nilalayon. Maging ang ama't maging ang anak na dalaga'y nananatiling nakatayo at hindi sumusuko. Datapuwa't napansin kong ang ama'y lalu't lalong nagmamatigas sa kanyang mga kuru-kuro at ang anak na dalaga nama'y lumalambot araw-araw bagama't bahagyang-bahagya lamang.
Doo'y nakikita kong maliwanag na maliwanag ang kamay ng Diyos at naaabot ko na halos ang bunga ng gayon kalaking pagpapagod, nang isang araw ay nagkasakit ang ama upang hindi na makabangong muli. Isang binatang manggagamot, na madalas na sa bahay na yaon, ang siyang pinagkatiwalaang gumamot sa maysakit; siya'y nag-aangkin ng malaking kabantugan at pinakukundanganan siya ng maysakit bilang manggagamot at bilang kaibigan.
Ipagpaumanhin ninyong sabihin kong ako'y nagpuyat sa tabi ng hihigan ng maysakit ng dalawa o tatlong gabi, akong nag-aabang ng lahat ng sandali upang siya'y kausapin tungkol sa Diyos, maging sa pakikipag-usap sa kanyang anak, na lalong nagiging mapag-isip araw-araw, at lalong magiliwin din sa akin. Ako'y nagmamalasakit nang gayon na lamang dahil sa kanya, sapagka't nakikita ko sa kanya marahil ang pinaka-kasangkapan ng Diyos para sa mga kapuri-puring hangarin; at maaari kong tiyakin sa inyo ang kalinisan ng aking mga kaisipan.
Hanggang ako'y nakahandang pakasal sa kanya kung ito'y naging kailangan, at lahat nang iya'y alang-alang sa pag-ibig ko sa Diyos.Gayunma'y nakikini-kinita ng maysakit na nalalapit na siya sa hukay at ito'y madalas niyang ipahayag. Nagugunita ko pa ang gabing sinundan ng kanyang pagkamatay. Noo'y nagkakatipon kami sa silid-tulugan , siya na nasa kama, ang kanyang maybahay, ang kanyang anak at ako.
Ang maysakit ay maputla, payat, ang pagmumukha'y malungkot at di-sukat malirip. Mahirap ang kanyang paghinga, nguni't kinamamasdan ng isang wari'y himig ng katiwasayang nagbibigay sa kanyang mukha ng katangi-tanging panghalina.Ang maybahay niyang nakaupo sa isang lukluka'y taimtim na nananalangin sa katahimikan; ang tingin niya'y nakapako sa kanyang asawa, nguni't anong tingin!…Namamalas ditong nagugunita niya ang buong kahapong maligaya…Ni isa mang kurus ay wala.Ang anak na dalagang dalawang gabi nang hindi nakakatulog ay nakaupong walang kakilus-kilos sa isang malaking silya pinagagalagala ang paningin nang walang anumang bagay na minamalas.
Kay ganda niya sa aking paningin, sa kanyang pamumutla at mga matang nagmamakaawa. Kung ang maysakit ay naging katoliko lamang, marahil ay napagkamalan ko siyang anghel na tagatanod, na nagpupuyat sa dakong ulunan ng maysakit upang ipailanlang ang kaluluwa nito sa langit, datapuwa't sa kasawiang palad ay hindi maaaring gayon.--Hali kayo-- anang maysakit sa mahina nguni't magiliw na tinig--magsilapit kayo: mahahalaga sa akin ang mga sandali…Nalalaman kong nalalapit na ang aking oras at sa loob ng ilang sandali'y makikita ko na marahil ang Diyos at makapapasok sa hindi ko maunawaan kailan man…--Tunay -- ang nagmamadali kong isinagot-- kayyo'y haharap sa Diyos kaya tumanggap kayo ng mga sakramento.--Kaibigan ko--ang itinugon niyang kasabay ang bahagyang pagkilos at ako'y tinitigang may pasasalamat--salamat sa inyong mabubuting hangarin; nguni't huwag nating pag-usapan ang bagay ba iyan…ako'y mamamatay na kinakailangan ko ang panahong ito upang maiukol sa aking pamilya.
Ang mga hibik ng ina't anak na kinuyom nang mahabang panahon ay hindi napigilan.--Bakit? Tumatangis ba kayong nangagsisipaniwala sa kabilang buhay? --ang naibulalas niya-- ako ang nararapat tumangis palibhasa'y hindi ko nalalaman kung anio ang mangyayari sa inyo…--O! sa bagay na iya'y huwag kayong mabahala--aang maliksi kong ipinutol.--Ano ang mangyayari sa inyo? --ang patuloy niya--Halika, anak ko, lumapit ka; idaop mo ang iyong mga kamay sa aking mga kamay…nanlalamig…sapagka't nalalapit na ang kamatayan…hindi ko na nararandamang mabuti ang init ng iyong mga palad.--Tatay…tatay!--ang tumatangis na sigaw ng kanyang anak na nanikluhod.Ang asawa'y nakaluhod din sa paanan ng hihigan.--Huwag kayong umiyak…bagkus makinig kayo sa akin…Sa malawak na pag-aalinlangan tungkol sa hinaharap…ngayong kayo'y aking lilisanin, walang ibang bagay na bumabagabag sa akin kundi ang iyong kabuhayan…dinggin mo, anak ko: natatalos kong ikaw ay umiibig, bagama't ito'y hindi mo sinasabi sa akin kailan man, nguni't yao'y alam ko…hindi ba totoo?…kung gayon…--O, huwag ninyong pagkaabalahan ang bagay na iyan, ama ko…kung siya'y hindi ninyo gusto, hindi ko siya iibigin.
Pumitlag ang aking puso at ako'y lalo pang lumapit upang makarinig na mabuti.--Hindi, sa paano't paano ma'y hindi-- anang maysakit-- Ikinagagalak ko ang iyong pagpili at ninanais kong ikaw ay pakasal sa kanya.Maninikluhod na sana ako upang magpasalamat sa kanya, nang sa-bubukas ang pinto at sa -papasok ang manggagamot na balisang-bbalisa. Ang anyo ng silid aay ikinataka niya.--Hinihintay kita, anak ko--anang maysakit sa kanya--halika, lumuhod ka… sa ganya'y ipinagkakaloobko sa iyo ang aking aanak na dalaga… siya'y gawin mong isang mabuting maybahay…binabasbasab ko ang inyong pag-iibigan.
At siya'y namatay.Aywan ko kung anong nangyari sa akin; hindi ko na namalayan ang nangyari pagkatapos.Tuwing ginugunita ko na ang kaluluwang yao'y napariwara magpasawalang hanggan at hindi ko na siya nailigtas…ako, na lubhang nagpagod…ay! ang huli nang di-pagsisisi!Ang parusang iginawad ng Diyos sa mga malayang palaisip na yaon …Nakapanghihilakbot!Buhat noon, sa pagkamalas kong ipinagkakait ng Diyos ang kanyang kamay sa mga sawimpalad na ito'y hindi na ako nagtangkang magpabalik-loob sa kaninuman. Mapahamak na sila!At dahil diya'y kinailangan ko pang lumigaw sa kanyang anak na dalaga!
Source: http://www.geocities.com/cavitesu/malayapa.htm
MISSION: To foster FILIPINO NATIONALISM. "Shake the foundations." Seek knowledge/understand/think critically about roots of socioeconomic-political predicaments in our homeland; educate ourselves, expose lies/hidden truths and fight IGNORANCE of our true history. Learn from: our nationalist heroes/intellectuals/Asian neighbors/other nations;therefrom to plan/decide/act for the "common good" of the native [Malay/indio] Filipino majority. THIS BLOG IS NOT FOR PROFIT.
Tuesday, December 13, 2005
FILIPINO NATIONALISM -is the bottom line;sine-qua-non for the common good of the native (Malay/Indio)Filipino majority. Nationalism must precede any plan/action in dealing with globalization.
EDUCATION- being educated is beyond just being schooled towards a profession or practical vocation; we need the Humanities/liberal arts to develop/apply CRITICAL ANALYSIS/THINKING to understand, identify, plan, act & safeguard the needed fundamental and/or systemic changes towards economic/political progress, social justice, and social transformation.
GOVERNMENT - its raison d'etre is to lead/serve the native majority, foster nationalism via its institutions, ensure the masses are critically literate to have real democracy.
FREEDOM & DISSENT - free thought is necessarily aggressive and critical; we protect the freedom to discover truth; we encourage dissent, not for sentimental reasons, but because we cannot live without it. PATRIOTISM is NOT: " My country, right or wrong;" but " if right, to be kept right; if wrong, to be set right!"
RELIGION/BELIEFS: No Deus ex Machina. No established religion. Humanism/Existentialism.
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment