Thursday, November 24, 2005

ISTORYA NG PUTA


"What luck for rulers that men do not think" - Adolf Hitler



"If the people are not completely free and happy, the fault will be entirely their own." - George Washington, shortly after the end of the American Revolution


NOTES:

  1. Colored and/or underlined words are HTML links. Click on them to see the linked posts/articles. Forwarding this and other posts to relatives and friends, especially those in the homeland, is greatly appreciated). To share, use all social media tools: email, blog, Google+, Tumblr, Twitter, Facebook, etc. THANKS!!
  2. Read on Scribd mobile apps: iPhone, iPad and Android.
  3. Free download as PDF, TXT or read online for free from Scribd, point-click to open-->SCRIBD/TheFilipinoMind
  4. Click the following underlined title/link to checkout these Essential/Primary Readings About Us Filipino Natives:
    Primary Blog Posts/Readings for my fellow, Native (Malay/Indio) Filipinos-in-the-Philippines
    *****************************



WHAT WE FILIPINOS SHOULD KNOW: This short story was emailed me; apparently it has been floating among Filipino Blogs.

After I passed it around to my email buddies, a few who were educated in Catholic schools protested and asked me to delete their names from my address book, which I did. Apparently these few individuals took the story literally; given their "religiosity," they saw it as disgustingly sexual (to them simply immoral).

As usual, many so-called pious and/or religious people see immorality (or morality issues) as limited to those that are sexual; they do not seem to see the much graver immorality of the decisions and acts by politicians, bureaucrats/technocrats in government and businesses which deprive ordinary people -the majority in our society- of their rights to decent livelihood and dignity.

I think this simplistic thinking exists in our native Filipino minds, among our so-called educated in our self-proclaimed Christian country. We may be bright and exceptional in our chosen professions, but naive in many areas of social concern. 


Thanks to our educational system that does not teach critical analysis/thinking and to the Catholic schools that weigh more towards church rules and not on the supposedly more important commandment: "agape/loving one's neighbor," as in the Good Samaritan analogy, or Pope John XXIII's social encyclicals, i.e. Pacem in Terris and Mater et Magistra.

The use of the native language is easily understood by our impoverished majority, whom we the so-called educated, should try to reach more, to inform more, to aid their understanding of "what's really going on", to establish an informed, nationalistic and united citizenry, and thus help decide and act for the common good.

- Bert

"Upang maitindig natin ang bantayog ng ating lipunan, kailangang radikal nating baguhin hindi lamang ang ating mga institusyon kundi maging ang ating pag-iisip at pamumuhay. Kailangan ang rebolusyon, hindi lamang sa panlabas, kundi lalo na sa panloob!" --Apolinario Mabini, La Revolucion Filipina (1898)


See:  http://www.thefilipinomind.com/2006/12/apolinario-mabini-and-his-true.html
*******************************************************
ISTORYA NG PUTA

...Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako.Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw angpinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon.Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di konga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse angkinabukasan ko.

Halika at makinig ka muna sa kwento ko.Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto,naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap konaman silang tao, bakit kaya nila ako ginago?Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase disila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlongmalilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko,na-rape daw ako?

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli angdi ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto angmga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungannya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Haponat Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya.

Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako.Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niyaako at ang mga naging anak ko.Parating ang dami naming regalo - may chocolates,yosi, at ano ka... may datung pa! Nakakabaliw siya,alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit namanako nang pagamit. Sa kanya namin natutunanmag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko,siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ngbagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawabuhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sakanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawanko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi naang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Satulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal peroang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay nanaranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sautang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad samga inutang namin.Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anakko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalissa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya dawsa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan angkalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko nanamamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi kopara sa punyetang kinabukasan naming lahat.

Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sahirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kamisa ginhawa at sarap.Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, angtuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin namalinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magigingkasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mgaanak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugawako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal kosa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundiganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit angsarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. Maynanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kaseang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputakaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palakipa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang angmga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Bakadi na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kongmga anak. Hindi na importante kung laspagin man angganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anakko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sakanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko magandapa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin.Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko angmukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko.Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan.

Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahitsaan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila,kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakitsa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di ngaako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit saisa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahanpa.

Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walangsasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw saakin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyadosilang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sapagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilalaang sarili ko.Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman akong mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na.

Natatakot ako sa taong darating. Ngayon palang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ngilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman saakin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Salamat ha, pinakinggan mo ako.Ay sorry, di ko pala nasabi....

PILIPINAS nga pala pangalan ko!

2 comments :

Mike Portes said...

Thank you for re-posting my article.

If you wish to get updates on the upcoming "Minsan may Isang Puta" short film entry by Urban Tribe's Sarah Roxas @ the "Ganap na Babae"-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us - HERE's TO A BETTER PHILIPPINES!

JOIN US > http://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall

"Minsan may Isang Puta" was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it's way to blog sites, fora, search engines and now on film.

Still pandering on your hunger for a true sense of NATIONALISM.

Mike Portes said...

Good day,

Your email buddies have myopic point of views. they took my article at face value when in fact it is an allegory just like what is Narnia to the life of Jesus Christ.

I have pondered on the the so-called "EDUCATED" and have branded the likes of your email buddies as New Age Colonizers as I have posted in this blog:
"our universities and colleges have produced a multitude of "new-age" colonizers. A generation of self-satisfied individuals huffing with false pride."


"Education has given nothing back to the mother country worse, to the soul."

published at http://getrealphilippines.com/legacy/agr-disagr/10-4-education.html


Sabi nga ng "Puta" ko: "Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan."

Kailan ba tayo matuto?