Huling Paalam
(”Mi Ultimo Adios”) ni Dr. José Rizal
sa salin ni Andres Bonifacio
Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat Silangan, kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis ang alindog sa kagalingan mo ay akin ding handog. Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluwag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahahapis. Saan man mautas ay di kailangan, cipres o laurel, lirio ma'y patungan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. Ako'y mamamatay, ngayong namamalas na sa Silanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailangan na maitina sa iyong liwayway, dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang ng kislap ng iyong maningning na ilaw.Ang aking adhika sapul magkaisip noong kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsang masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit. Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyong kahihiyan. Sa kabuhayan ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa paghingang papanaw ngayong biglang-bigla. Ikaw'y guminhawa laking kagandahang akoy malugmok, at ikaw ay matanghal, hininga'y malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan. Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat, sa kaluluwa ko halik ay igawad. At sa aking noo nawa'y iparamdam, sa lamig ng lupa ng aking libingan, ang init ng iyong paghingang dalisay at simoy ng iyong paggiliw na tunay. Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang liwanag niyang lamlam at tahimik, liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis. Kung sakasakaling bumabang humantong sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon, doon ay bayaan humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon. Bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'y pasingawin noong kainitan, magbalik sa langit ng buong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. Bayaang sino man sa katotong giliw tangisang maagang sa buhay pagkitil; kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing. Idalanging lahat yaong nangamatay, Nangag-tiis hirap na walang kapantay; mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. Ang mga balo't pinapangulila, ang mga bilanggong nagsisipagdusa; dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong ikagiginhawa. At kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libinga't tanging mga patay ang nangaglalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain; kaipala'y marinig doon ang taginting, tunog ng gitara't salterio'y magsaliw, ako, Bayan yao't kita'y aawitan. Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat at wala ng kurus at batong mabakas, bayaang linangin ng taong masipag, lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat. Ang mga buto ko ay bago matunaw, mauwi sa wala at kusang maparam, alabok na iyong latag ay bayaang siya ang babalang doo'y makipisan. Kung magkagayon ma'y, alintanahin na ako sa limot iyong ihabilin, pagka't himpapawid at ang panganorin, mga lansangan mo'y aking lilibutin. Matining na tunog ako sa dinig mo, ilaw, mga kulay, masamyong pabango, ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo, pag-asang dalisay ng pananalig ko. Bayang iniirog, sakit niyaring hirap, Katagalugan kong pinakaliliyag, dinggin mo ang aking pagpapahimakas; diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat. Ako'y patutungo sa walang busabos, walang umiinis at berdugong hayop; pananalig doo'y di nakasasalot, si Bathala lamang doo’y haring lubos. Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib mga kaibigan, bata pang maliit, sa aking tahanan di na masisilip. Pag-papasalamat at napahinga rin, paalam estranherang kasuyo ko't aliw, paalam sa inyo, mga ginigiliw; mamatay ay siyang pagkakagupiling!
Taos-pusong pasasalamat kay
G. Jaime Jurado Waltz sa pagbasa ng tula
at kay
G. Ian James R. Andres
sa kopya ng mga tugtuging
"Ang Aking Bayan" at "Pahimakas" ni Nicanor Abelardo
geovisit();
Source: http://www.geocities.com/valkyrie47no/huling_paalam.htm
MISSION: To foster FILIPINO NATIONALISM. "Shake the foundations." Seek knowledge/understand/think critically about roots of socioeconomic-political predicaments in our homeland; educate ourselves, expose lies/hidden truths and fight IGNORANCE of our true history. Learn from: our nationalist heroes/intellectuals/Asian neighbors/other nations;therefrom to plan/decide/act for the "common good" of the native [Malay/indio] Filipino majority. THIS BLOG IS NOT FOR PROFIT.
Wednesday, May 18, 2005
Huling Paalam (Mi Ultimo Adios)
Labels:
Andres Bonifacio
,
Filipino nationalism
,
Jose Rizal
FILIPINO NATIONALISM -is the bottom line;sine-qua-non for the common good of the native (Malay/Indio)Filipino majority. Nationalism must precede any plan/action in dealing with globalization.
EDUCATION- being educated is beyond just being schooled towards a profession or practical vocation; we need the Humanities/liberal arts to develop/apply CRITICAL ANALYSIS/THINKING to understand, identify, plan, act & safeguard the needed fundamental and/or systemic changes towards economic/political progress, social justice, and social transformation.
GOVERNMENT - its raison d'etre is to lead/serve the native majority, foster nationalism via its institutions, ensure the masses are critically literate to have real democracy.
FREEDOM & DISSENT - free thought is necessarily aggressive and critical; we protect the freedom to discover truth; we encourage dissent, not for sentimental reasons, but because we cannot live without it. PATRIOTISM is NOT: " My country, right or wrong;" but " if right, to be kept right; if wrong, to be set right!"
RELIGION/BELIEFS: No Deus ex Machina. No established religion. Humanism/Existentialism.
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment